Lumayo kayo sa illegal na droga– Sen. Go

Si Senador Christopher “Bong” Go habang nagsasalita sa mga kabataan sa masamang idinudulot ng illegal na droga sa pagbubukas ng Bahay ni Jawo Basketball Court sa Valenzuela City.

NI NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” sa mga kabataang Pilipino na makisali sa sports sa halip na mag-udyok sa mga bisyo tulad ng mga iligal na droga.

Sa inagurasyon ng Bahay Ni Jawo Basketball Court sa Valenzuela City noong Biyernes, Mayo 20, nakiusap si Go na lumayo sa ipinagbabawal na droga at sa halip ay ituon na lamang sa mga laro tulad ng basketball at iba pang uri ng sports.

“Nakikiusap ako sa inyo, layuan n’yo po ang iligal na droga. Iyan lang po ang pakiusap namin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte – layuan n’yo po ang iligal na droga dahil kasama na po diyan ‘yung kriminalidad,” sabi Go sa kanya ng pahayag.

“‘Pag maraming durogista, maraming kriminalidad. So, tulungan n’yo po kami. Mag-basketball na lang tayo. Sa sports, maraming matutunan ang kabataan upang maging disiplinado at produktibong miyembro ng lipunan,” dagdag nito.

Inihalimbawa ng senador ang mga nakapipinsalang epekto ng mga ilegal na droga sa mga pamilya at sa lipunan.

“Kaya kami na po ang nakikiusap ni Pangulong Duterte sa inyo, layuan n’yo po ang iligal na droga… Delikado po ‘yang drogang ‘yan,” dagdag nito.

Sa nasabing okasyon, namigay si Go ng mga basketballs, volleyballs at sapatos sa mga kabataan upang maengganyong sumali sa sports.

Leave a comment