
NI NERIO AGUAS
Prayoridad na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na isailalim sa IT systems upgrade nito para mapigilang makapasok sa bansa nag mga illegal aliens at foreign terrorists sa pamamagitan ng pagdaan sa Taganak station sa Sulu Sea, at ang Bongao station sa Celebes Sea.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente mas mahigpit na pagbabantay ang gagawin ng ahensya sa border crossing stations sa Mindanao.
Sinabi naman ni BI Bay Service Section Chief Alnazib Decampong na nagsagawa na ito ng on-site visits at pag-aaral kung ano ang magiging rekomendasyon para sa gagawing pag-upgrade sa tanggapan nito sa Mindanao.
“It is necessary that we strengthen immigration monitoring in these border crossing stations. We see these areas as upcoming major trade and travel hubs in the next few decades,” sabi ni Decampong.
Idinagdag pa nito na ang pagpapabuti sa nasabing mga istasyon ay magdudulot din ng mas mahigpit na pagbabantay upang maiwasang makapasok ang mga illegal aliens at foreign terrorists.
Sinabi pa ni Morente na maliban sa pagsasailalim sa IT at infrastructure improvement, magdaragdag din ito ng ilang tauhan sa Taganak station at Bongao station.
“We have increased the number of BI personnel in these areas, but are looking into maximizing our numbers so as to better implement our mandate,” ani Morente.
Plano rin ng BI na palawigin din ang implementasyon ng Advance Passenger Information System (APIS) sa mga tanggapan nito sa southern region.
