
Ni NOEL ABUEL
Umaasa si Senador Christopher “Bong” Go na ipagpapatuloy ng susunod na lider ng bansa ang pagsusulong ng pandemic recovery at pagpapabuti ng healthcare system ng bansa.
Ayon kay Go, habang naghahanda ang government transitions sa susunod na gobyerno ay kailangan na mas lalo pang pahusayin ang public health sector bilang pagharap sa pandemya na malaking epekto sa healthcare system ng Pilipinas.
“We have taken a significant step back due to COVID-19, but we must reconstruct our lives as we continue to overcome the pandemic. We must reset, recoup, and rebound,” sabi ni Go, chairman ng Senate Committee on Health.
Binigyan-diin pa ng senador na ang kahalagahan ng pag-aaral mula sa pandemya, idinagdag nito na mayroong pangangailangan para sa gobyerno na maging mas maagap at patuloy na suriin ang mga patakaran kahit magpapalit na ng liderato.
Samantala, hinikayat ni Go ang mga bagong pinuno na ipagpatuloy ang pamana ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular ang Malasakit Centers sa buong bansa upang masiguro na ang mga mahihirap na Pinoy ay patuloy na madaling mapapakinabangan ang programang medikal ng pamahalaan.
“Let us make sure that the poor and the needy, especially those who depend on government assistance, are taken care of,” aniya pa.
“Instead, let us use this as an opportunity to learn from our shortcomings and ensure that we keep on the right path towards recovery while ensuring no Filipino is left behind. We cannot afford to lose what we have gained in the past years, especially as our country is undergoing a leadership transition. Let us all take responsibility for ourselves and our communities to triumph over these challenges,” paliwanag pa nito.
