Vaccination drive nationwide samantalahin na – Sen. Go

NI NOEL ABUEL

“Huwag nating sayangin ang mga sakripisyong ipinundar natin.”

Ito ang apela ni Senador Christopher “Bong” Go sa publiko kasabay ng panawagan na tangkilikin ang isinasagawang vaccination drive nationwide laban sa COVID-19 pandemic.

Ayon pa kay Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, hindi na dapat pang kuwestiyunin ng mga hindi pa nagpapabakuna ang epekto ng bakuna lalo na at wala namang masamang epekto ito sa kalusugan ng tao at tanging panlaban lamang ito sa COVID-19 virus.

Kaugnay nito, muling pinuri ng senador ang mga ahensya ng pamahalaan na nasa likod ng pagpapatupad ng bakuna sa buong bansa.  

 “I would like to congratulate National Task Force for COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., Presidential Adviser on COVID-19 Response Sec. Vince Dizon, Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque, and all of our partners for being able to vaccinate more than 69 million individuals as a way to stay ahead of the game against the COVID-19 pandemic,” sabi ni Go.

“Although this administration is nearing its close, I am glad that we are still continuing our effort to vaccinate more of our population and inoculate booster doses to our priority groups,” dagdag nito.

“Nananawagan po ako sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na dahil maiiwasan natin ang malubhang sakit o maging kamatayan dahil sa COVID-19. Magpa-booster shot na rin ang mga nakakumpleto na ng bakuna at ang mga qualified para sa second booster shot para masiguro ang patuloy na proteksyon laban sa COVID-19,” panawagan pa nito.

Leave a comment