3 Vietnamese na miyembro ng ‘5-6’ gang arestado ng BI

NI NERIO AGUAS

Arestado ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI)  ang tatlong Vietnamese nationals na sangkot sa lending gang operation sa lalawigan ng Batangas at sa iba pang bahagi ng Luzon.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga nadakip na mga dayuhan na sina Vo Van Tai, 26-anyos, Vo Khac Binh, at Vo Thi Mai, kapwa 49-anyos.

Nabatid na nagpalabas ng mission order si Morente sa  mga operatiba ng BI intelligence division sa Purok Rosal, Poblacion West sa Science City of Munoz, Nueva Ecija.

Ayon sa BI, si Vo Van Tai ang tumatayong lider ng ‘5-6’ gang at nasa likod ng illegally lending money at sangkot din sa pananakit at pagdukot sa hindi nakakabayad sa pagkakautang.

Base sa impormasyon ng BO, ang operasyon ng nasabing sindikato ay nagpapalipat-lipat sa ia’t ibang bahagi ng Luzon upang makaiwas sa pagkakaaresto dahil sa illegal na gawain ng mga ito.

Una nang naaresto ng BI ang 8 pang gang members na nahuli sa Lemery Batangas noong Abril 28.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. nang maaresto si Vo Van ay nagpakita ito ng peleng BIR TIN ID na may alyas na pangalan kung saan base sa sumbong na  nakarating sa BI, gumagamit din umano ang nasabing dayuhan ng iba pang pekeng dokumento upang itago ang tunay na pagkakailanlan nito.

Maliban sa pagiging undesirable aliens natuklasan din ang dalawang pang kasama nito na undocumented at overstaying na kung kaya’t agad na dinala ang mga ito sa BI’facility sa Bicutan, Taguig habang inihahanda ang pagpapatapon sa mga ito sa kanilang bansa.   “These illegal businessmen are not welcome in the country.  They do not follow our laws, and at the same time bring fear and disorder to the community.  We will ensure that once deported, they will not be able to set foot in the country again,” babala pa ni Morente.

Leave a comment