47,000 litro ng nakumpiskang gasolina ido-donate sa AFP, Coast Guard

Ni RHENZ SALONGA

Nakatakdang ibigay bilang donasyon ng Department of Finance (DOF) ang 47,356.8 litro ng gasolina sa

Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).

Nabatid na ang 41,356.8  litro ng gasolina ay ibibigay sa PCG habang ang natitirang 6,000 litro ay ipapamahagi sa AFP.

Ayon sa BOC, ang naturang fuel stocks na nakumpiska sa ilalim ng Fuel Marking Program ay nanggaling sa Joycel Bus Lines sa Caloocan City noong noong Pebrero 24, 2021 kung saan umaabot sa kabuuang 11,000 litro ng natuklasang unmarked fuel stocks.

Samantala, nakumpiska rin sa Lemiz Fuel Station, at Star Oil/Min Ley Gasoline Station sa Meycauyan, Bulacan, at ang  Fuel Source Gas Station sa Cabanatuan, Nueva Ecija at nasabat ang 23,999 litro ng unmarked fuel stocks at noong Enero 5, 2022 ay na-turnover na ito sa PCG.

Ang forfeiture order para sa unmarked fuel ay naging pinal noong Pebrero 27, 2022 kung saan napagdesisyunan na ibigay na lamang ito sa PCG. 

Ido-donate ng BOC sa PCG ang 6,357.8 litro ng gasolina na nakumpiska noong Setyembre ng nakalipas na taon sa retail gas station sa Arayat, Pampanga na ino-operate ng Luzon Petromobil Integrated Service Stations Inc.

Sa ilalim ng ection 7 ng Department of Finance (DOF)-BOC-Bureau of Internal Revenue (BIR)  Joint Circular (JC) No. 001.2021, ang mga petroleum products na mapapatunayang unmarked, na  may diluted markers, o counterfeit fuel markers ay sasailalim sa duties and taxes, inclusive of the appropriate fines and penalties.

Sa ilalim naman ng Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) anng mga permits goods na sakop ng forfeiture proceedings ay ido-donate sa ilang ahensya ng pamahalaan na tutukuyin ng Secretary of Finance.

Leave a comment