Pichay hinatulang makulong ng 18-taon

Ni Noel Abuel

Hinatulan ng 18-taong pagkakakulong ng Sandiganbayan si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. kaugnay ng mga alegasyon ng maling paghawak ng P780 milyong pondo ng Local Water Utilities Administration (LWUA) habang nakaupo bilang chairman nito noong 2009.

Sa 66-pahinang desisyon na ipinalabas ng Sandiganbayan Fourth Division noong Hunyo 7, 2022, idineklara ng anti-graft court si Pichay na nagkasala sa kasong gross inexcusable negligence.

Kasama rin sa kinasuhan ang co-accused deputy administrator Wilfredo Feleo Jr.  para sa hindi regular na pagkuha ng 60 porsiyentong stake sa Express Saving Bank  Inc. (ESBI) sa halagang P80 milyon, na nagdeposito ng P300 milyon sa bangko, at naglalagay ng kapital na P400 milyon.

Gayundin, sinabi ng korte na ang mga nasasakdal ay nagdulot ng hindi nararapat na pinsala sa gobyerno nang hindi nila pinansin ang mga kinakailangan para sa paunang pag-apruba ng Office of the President, ng Department of Finance (DOF), ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) – Monetary Board (MB)  , at ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ayon sa itinatadhana sa ilalim ng RA 8791 o ang General Banking Law of 2000 at Administrative Order No. 59

“The prosecution was able to present sufficient evidence to prove that the irregular transactions carried out by the accused LWUA officials …were committed with gross inexcusable negligence. Ultimately, the absence of the requisite MB approval resulted in losses on the part of the government in the total amount of P780 million,” sabi ng Sandiganbayan.

Sina Pichay at Feleo ay pinatawan ng 6 hanggang 10 pagkakakulong sa bawat 3 kaso ng katiwalian na katumbas ng 18 hanggang 30 taon at perpetual disqualification sa paghawak ng pampublikong posisyon.

Gayunpaman, pinawalang-sala sila ng korte sa hiwalay na kaso ng paglabag sa Manual of Regulation for Banks (MORB) kaugnay ng RA 7653 o ang New Central Bank Act na nagsasaad na ang criminal offense ay nalalapat lamang sa mga opisyal ng bangko at hindi maaaring maging batayan para sa kasong kriminal laban sa mga opisyal ng LWUA.

Ang kaso naman sa dalawa pang LWUA executives, Board of Trustees member na sina Enrique Senen Montilla III at acting administrator Daniel Landingin, ay ibinasura dahil sa binawian na ng buhay habang dinidinig ang kaso.

Una nang naghain ng 8 kaso ang Office of the Ombudsman laban kay Pichay noong Hulyo 13, 2016 kabilang  ang tatlong kaso ng katiwalian, tatlong kaso ng malversation of public funds, at Isang kaso ng paglabag sa RA 8791 o ang General Banking Law of 2000, at isang kaso ng paglabag sa  Manual of Regulation for Banks (MORB) na may kaugnayan sa RA 7653 o ang New Central Bank Act.

Ngunit sa inilabas na resolusyon noong Oktubre 18, 2016 ng Sandiganbayan ibinasura ang lahat ng kasong malversation charges at  paglabag sa RA No. 8791 laban sa mga akusado dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Nasundan pa ang resolusyon na inilabas noong Nobyembre 17, 2017 ay nagbigay sa mga mosyon para sa muling pagsasaalang-alang para sa pagbasura sa mga kaso na inihain ng iba pang opisyal ng LWUA at mga pribadong akusado na mga executives ng Wellex Group Inc. at ESBI, na naiwan sina Pichay at Feleo bilang dalawang natitirang akusado mula noong masawi sina Landingin at Montilla.

“Thus. even assuming that accused did not act in bad faith or with manifest partiality, their negligence under the circumstances was not only gross but also inexcusable. A. It was unthinkable for a government official, especially one with extensive experience in public service and administration, to turn a blind eye on such obligation despite constant reminders,” sabi ng anti-graft court. 

Leave a comment