
NI NOEL ABUEL
Kung si Senator-elect Alan Peter Cayetano ang masusunod ay nais nitong pamunuan ang Senate Blue Ribbon Committee upang maging fiscalizer sa mga maling gagawin ng mga opisyales ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Cayetano kung saan hanggang sa kasalukuyan ay wala pang linaw kung anong komite ang ibibigay dito ng mga senador sa pangunguna ni incoming Senate President Juan Miguel Zubiri.
“Senador Migs conveyed to me that he want me to be in majority even our history of working together even ‘yung mako-contribute at tsaka Unity naman daw sila, sabi ko naman alam n’yo kailangan n’yo ng fiscalizer so kung ibibigay n’yo ang Blue Ribbon Committee then baka may dahilan akong mag-majority because i will be able to do my job,” sabi ni Cayetano.
“Pero kung bibigyan n’yo ako ng komite kahit napakaganda pero walang mapi-fiscalize or kokonti ang magpi-fiscalize or watak-watak ang magpi-fizcalize sa administrayong ito ay mahirap ‘yun,” sa panayam kay Cayetano sa ambusg interview sa ginanap na groundbreaking ng Taguig City Science Terminal and Exhibit Center sa loob ng compound ng Department of Science and Technology (DOST).
Aniya, magiging masaya ito kung magiging miyembro ng minorya sa Senado kung walang maibibigay na komite na maaari itong maging fiscalizer.
“I’ll be happy to be in minority kung walang role na maibibigay ang majority wherein you will be able to explicit details kung kailan tama kung kailan mali. So that’s the present status at siguro mag-uusap-usap kami a few weeks before SONA because maraming not in the country o busy na nag-o-organize,” paliwanag pa nito.
Idinagdag pa ng dating House Speaker na ang 31 milyong bumoto kay President-elect Ferdinand Marcos Jr., ay naniniwala sa demorkasya na dapat na masunod habang ang mga hindi bumoto kay BBM ay nais na maging fiscalizer.
“So kung tama ang gagawin ng administrasyon, nandu’n si Alan Cayetano para sumuporta. Kung mali, nandu’n si Alan Cayetano para tindigan at sabihing mali,” sabi nito.
