
Ni NOEL ABUEL
Bunsod na pag-aalboroto ng Mt. Bulusan na nagbuga ng abo ay nagkansela ng ilang biyahe ang Cebu Pacific at Cebgo flights.
Sa abiso ng Cebu Pacific, kabilang sa kanseladong biyahe ang ngayong araw ng Hunyo 12, ay ang mga sumusunod:
· 5J325/326 Manila – Legazpi – Manila
· 5J327/328 Manila – Legazpi – Manila
· DG6111/6112 Manila – Naga – Manila
· DG6117/6118 Manila – Naga – Manila
Ang mga apektadong pasahero ay maaaring pumili o pumunta sa Manage Booking portal sa Cebu Pacific website para sa rebooking, travel fund, at refund.
Paliwanag ng Cebu Pacific, ang sinumang dadaan sa rebooking ay dapat na nasa 60 araw at walang dagdag na bayad.
“Travel Fund; Store the amount in a virtual CEB wallet valid for six (6) months and use this to either book a new flight or pay for add-ons (example: baggage allowance, seat selection, etc.) and Refund: The process may take up to two (2) months from the date of request,” ayon sa Cebu Pacific.
Pinapayuhan ang mga pasahero na siguruhin na maayos ang mga travel requirements, safety protocols, at frequently asked questions (FAQs) sa CEB website: bit.ly/CEBFaqs.
