90K child labors nasagip

NI NERIO AGUAS

Aabot na sa mahigit sa 90,000 kabataan ang nasagip sa buong bansa na kabilang sa sektor ng child labor.

 Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) tuluy-tuloy ang isinasagawang pag-alis sa mga mga kabataan sa mga delikado at hindi naaayong uri ng trabaho.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na inisyatiba na ng ahensya ang pagbuo ng database na magsisilbing basehan sa pagkakaloob ng naayong serbisyo at interventions para maalis ang mga kabataan mula sa child labor.

Aniya, ang profiling sa mga child labor ay naaayon sa Philippine Development Plan 2017–2022 goal na naglalayong mabawasan ang bilang ng child labor cases sa bansa ng 30 porsiyento.

Taong 2018, nang simulan ng DOLE ang pangongolekta ng mahahalagang demographic information na nasa 400,000 child laborers sa buong bansa.

Pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 597,000 kabataan ang nananatiling bahagi ng child labor na karamihan ay nasa agriculture sector.

Samantala, ang mga kaso naman ng online sex abuse and exploitation in children (OSAEC) ay tumaas ng 264 porsiyento sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bello, ang sexual exploitation ang kabilang sa pinakamasamang uri ng child labor na tinukoy ng International Labour Organization (ILO).

Sa pag-aaral na isinagawa ng Institute of Labor Studies (ILS) na ipinakita sa National Stakeholders’ Summit addressing the Worst Forms of Child Labor, kabilang dito ang Online Sexual Abuse and Exploitation, lubha nakakaalarma na ang patuloy na pagtaas nito dahil na rin sa madaling naa-access ng mga kabataan ang internet.

“Affordable internet access also contributes to enabling impoverished households to participate in this money-making scheme,” sab i ni ILS Researcher Frances Camille Dumalaog.

Tinukoy rin sa pag-aaral ang money transfer infrastructure, high proficiency sa English language, at malawakanng kahirapan kung kaya’t patuloy na tumataas ang OSAEC proliferates sa Pilipinas.

“Through the [profiling] database, DOLE can identify and provide appropriate interventions to remove children from child labor. These include providing livelihood assistance programs for parents of child laborers given that they will stop engaging their children in hazardous work,” sabi ni DOLE – Bureau of Workers with Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla.

Leave a comment