10 BSP officials highest-paid noong 2021–COA

BSP Governor Benjamin Diokno

NI MJ SULLIVAN

Sampung mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nangunguna sa listahan ng 2021 na may pinakamataas na sahod na mga executives ng gobyerno batay sa pinakahuling listahan na inilabas ng Commission on Audit (COA).

Sa 1,316-pahinang 2021 Report on the Salaries and Allowances (ROSA) na inilabas noong Hunyo 17,  9,050 punong opisyal ng mga governing board ng government-owned or controlled corporations (GOCCs) at kanilang mga subsidiary, secretaries of major executive agencies, undersecretaries, assistant secretaries,  at iba pang opisyal ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan na may katumbas na ranggo mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa

Hindi naman kasama sa ulat ang kompensasyon ng Pangulo, Pangalawang Pangulo at mga miyembro ng Kongreso.

Napanatili ni BSP Governor Benjamin Diokno ang top rank sa ikalawang pagkakataon sa P41.812 milyon na kinita nito noong nakaraang taon na nasa P19.792 milyon na natanggap nito noong 2020 o katumbas ng pagtaas ng 111.26 porsiyento.

Sa breakdown ng kanyang kabuuang suweldo ay nagpakita na nakatanggap ito ng P12 milyon bilang pangunahing suweldo;  P24,000 personnel economic relief allowance/honorarium;  P14.233 milyon na allowance;  P13.589 milyon na bonus, insentibo, o benepisyo;  at P1.966 milyon bilang discretionary fund para sa extraordinary miscellaneous expenses.

Nakuha ni Diokno ang kanyang buong kompensasyon mula sa kanyang posisyon bilang gobernador ng BSP bagama’t nagsilbi rin ito nang walang bayad sa pag-upo sa Board of Directors, Board of Trustees, o konseho ng National Development Company (NDC), National Food Authority (NFA), Philippine Center for  Economic Development (PCED), Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC), Philippine Guarantee Corporation (PhilGuarantee), Philippine International Convention Center, Inc. (PICC), Philippine Retirement Authority (PRA), at ang Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Narito ang kumpletong listahan ng iba pang BSP officials at ang natanggap na suweldo.

 1) BSP Governor Benjamin E. Diokno – PP41.812 million

2) BSP-Monetary Board member Victor Bruce J. Tolentino – P23.292 million

3) BSP-MB member Felipe M. Medalla – P21.831 million

4) BSP-MB member Antonio S. Abacan Jr. – P21.71 million

5) BSP-MB member Peter B. Favila – P21.673 million

6) BSP-MB member Anita Linda R. Aquino – P21.426 million

7) BSP Deputy Gov. Chuchi G. Fonacier – P20.243 million

8) BSP Deputy Gov. Maria Almasara Cyd T. Amador – P20.176 million

9) BSP Deputy Gov. Francisco G. Dakila Jr. – P17.831 million

10) BSP senior assistant governor Ma. Ramon Gertrudes T. Santiago – P17.381 million

Pumasok din na pang-11 si BSP senior assistant governor and general counsel Elmore O. Capule sa halagang P17.249 milyon.

Samantala, si Solicitor General Jose C. Calida na umokupa sa ikalawang puwesto noong 2020 ay bumagsak sa pang-12 sa naitalang kita na P16.591 milyon hanggang P933,000.

Sa kabilang banda, ang executive vice president ng United Coconut Planters Bank (UCPB) na si Eulogio V. Catabran III na pumangatlo noong 2020 na may kabuuang kita na P15.481 milyon ay nasa ika-773 puwesto sa listahan noong 2021, na nag-uwi ng P3.08 milyon para sa taon.

Ang 2021 top 10 highest-paid government executives ay kumita ng kabuuang P227.375 milyon na kung ikukumpara sa P151.261 milyon noong 2020 o katumbas ng 50.32 porsiyentong pagtaas.

Leave a comment