
NI NOEL ABUEL
Umaasa si Quezon City Rep. Alfred Vargas na makakamit ng bansa ang pangmatagalang katatagan sa kapangyarihan at enerhiya sa ilalim ng papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Vargas, outgoing senior vice chair ng House Committee on Energy, na ang katatagan sa sektor ng kuryente at enerhiya ay makatutulong sa pagsulong ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
“I am confident that given the declared priorities of the new administration, we can bring back stability and sustainability to the power sector,” aniya.
Sinabi ni Vargas na kailangan ng pamahalaan na magdala ng mas maraming mamumuhunan sa sektor ng kuryente at enerhiya base na rin sa babala ng mga eksperto na ang bansa ay nahaharap sa posibleng krisis sa enerhiya.
Sinabi pa ng mambabatas na ang pagkawala ng kuryente sa Luzon noong nakaraang Sabado, na nakaapekto sa tinatayang 1 milyong residente, ay dapat tingnan bilang isang wake up call.
“This incident, which has been attributed to insufficient power supply, is a stark reminder that we cannot have the power and energy sector remain in its present state and expect to meet the demands of an economy recovering from the pandemic,” paliwanag ni pa nito.
Sinabi pa ni Vargas na ipinaalam na ang ilang solusyon sa mga isyu na bumabalot sa power sector ng mga eksperto at business community.
“We already have a host of viable proposals to existing concerns that are ripe for implementation. Delays would only translate to more of our fellow Filipinos suffering,” ayon pa dito.
“More investors in power and energy would result in the longed-for stability in our power supply. This, in turn, would attract investors in key industries such as manufacturing and tourism. With more investors coming in, we create jobs in sectors and regions that have been affected by the pandemic,” dagdag pa nito.
Una nang nagbabala ang mga energy experts na nagbabantang magkaroon ng krisis sa kuryente dahil na unti-unti nang pagkaubos ng Malampaya gas field hanggang 2024 at tinataya ng mga una na nangangailangan ang Pilipinas ng karagdagang 43 gigawatts sa taong 2040.
Ang Malampaya ang nagsu-supply ng 30 porisyento ng kuryente na kinakailangan ng Luzon grid.
“Instability in power supply is a roadblock to our economy’s revival, especially now that we are progressively reclaiming pre-pandemic economic growth. But I am confident that the President-elect’s administration has the resolve and competence to tackle and solve this problem head on,” ayon pa kay Vargas.
