Solusyon sa epekto ng COVID-19 at mental health sa mga Filipino hiniling  

Senador Christopher “Bong” Go

NI NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Christopher “Bong” Go sa nagiging epekto ng patuloy na COVID-19 pandemic at iba pang krisis sa kalusugan ng pag-iisip.

Apela ng senador sa pamahalaan na paigtingin ang ginagawang pagtulong sa mga nakakaranas ng hirap ng buhay partikular ang pagbibigay ng psychosocial services.

Sinabi ni Go na una nang umapela ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na mamuhunan sa mental health matapos ang ulat na nasa dalawang porsiyento lamang ng pambansang badget para sa national health at isang porsiyento ng lahat ng international health aid ay napupunta sa mental health.

Ayon pa sa chairman ng Senate Committee on Health, kailangan ng pamahalaan na tuklason ang lahat ng posibilidad ng pagpapaabot ng kinakailangang gabay sa mga pamilya lalo na at ang pandemya ay patuloy na nakakaapekto hindi lamang sa kabuhayan at pisikal na kalusugan ng mga Filipino kundi pati na rin ang kanilang emosyonal at kondisyon sa pag-iisip.

Binigyan-diin pa ni Go na kailangan na maipatupad at maisakatuparan ang layunin ng Mental Health Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

Nakapaloob sa Republic Act 11036 ang pagtatayo ng national mental health policy na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan ng buong populasyon.

Idinagdag pa ni Go na pangunahing karapatan ng lahat ng Filipino sa mental health care habang hinuhubog ang mga hamon ng para maabot sa positive mental health.

“I urge PhilHealth to develop as soon as possible a more comprehensive mental health package that will also include consultation and other outpatient services. For as long as it is viable on the part of PhilHealth, coverage should include a much wider range of mental and behavioral conditions,” sabi nito.

“I also appeal to the Department of Health to make its existing Medicine Access Program for Mental Health more accessible to as many Filipinos in need of mental health medicines. Although the National Center for Mental Health in Mandaluyong City continues to cater to mental health patients, we have to make this type of government service available to more people nationwide, especially in rural and far-flung areas,” dagdag pa nito.

Leave a comment