
NI NEILL ANTONIO
Ipinagmalaki ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na isang estudyante nito ang kabilang sa nanguna sa katatapos na Architect Licensure Examination noong Hunyo 2022.
Sinabi ni University President Emmanuel Leyco na sa 3,037 pumasa sa pagsusulit, nakuha ni PLM College of Architecture and Urban Planning (CAUP) alumna Mikko Joyce Bustamante ang pang- 6 na puwesto sa nakuhang 81.30%.
Nabatid na 26 iba pang CAUP graduates ang kumuha ng eksaminasyon na katumbas ng a 77.14% passing rate para sa PLM na mas mataas sa national passing rate of 63.74%.
“PLM celebrates the success of its 27 new licensed architects. Congratulations! As you practice and further hone your craft, may you always keep the greater good and public interest in mind,” sabi ni Leyco. Ihahayag ng Professional Regulation Commission (PRC) ang araw at oras ng isasagawang oath-taking ceremony sa mga bagong licensed architects.
