
Ni NERIO AGUAS
Naglabas ng abiso ang Bureau of Immigration (BI) laban sa muling pagdami ng bilang ng mga kaso ng human trafficking na karamihan ay nambibiktima ng mga kababaihan, kabataan at mga overseas workers patungo sa Gitnang Silangan at Gulf regions.
Ang babala ay inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente kasunod ng ulat sa ibang bansa na ilang kababaihang Indian ang biktima ng human trafficking at nailigtas sa hindi maayos na kondisyon sa Kuwait.
Aniya, ang nasabing insidente ay patunay lamang na patuloy na suliranin sa buong mundo ang human trafficking kung kaya’t dapat na seryosohin ito ng lahat.
“It is important that we do not take the issue of human trafficking lightly. This modern-day slavery is still very rampant, and it is happening both here and in other parts of the world,” sabi ni Morente.
Paliwanag pa ng opisyal na nagagawa ng mga human traffickers na mabiktima ang mga mahihirap at pangakong magandang trabaho sa ibang bansa bagama’t walang legal na dokumentong hawak ang mga ito.
“As a result, those victims of human trafficking are led up to experience compensation issues, or worse— mental and physical abuse abroad,” ayon pa kay Morente.
Ayon naman kay BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) head Timotea Barizo dapat na mag-ingat ang mga Filipino sa mga nag-aalok ng trabaho sa mga bansa sa Middle Eastern kapalit ng malaking sahod.
“Aspiring OFWs should practice caution and transact only with persons and agencies accredited by the government. If caught, those illegal recruiters and human traffickers are doomed to face imprisonment,” aniya.
Noong nakalipas na taon, aabot sa 491 pasahero na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang paliparan at inendorso sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa posibilidad na biktima ng human trafficking.
