BI nagbabala sa mga dayuhan

NI NERIO AGUAS

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga foreign nationals na mahaharap sa kaso ang sinumang mapapatunayang sumali sa mga kilos-protesta.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, sakaling may makitang foreign nationals na sumali sa mga nagpoprotesta kasabay ng presidential inauguration ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang ika-17 Pangulong ng Pilipinas.

“Foreigners should steer clear from political engagements so as to avoid being charged with violating immigration laws here in the country,” sabi ni Morente.

 Nakasaad sa polisiya ng BI na ipinagbabawal ang mga dayuhan na sumali, sumuporta, at nagbibigay ng donasyon sa anumang  rally, assembly, o pagpupulong habang nasa Pilipinas.

 Ang babala ng Bi ay upang hindi na maulit pa ang nangyari noong mga nakaraang taon na may ilang dayuhan ang nai-deport at na-blacklist dahil sa paglahok sa partisan political activities.

“Foreigners who were caught joining political demonstrations in the past have shown disrespect to our country’s authorities. Foreigners are prohibited from engaging in partisan political activities.  Those who will be caught will be deported and blacklisted,” babala pa  ni Morente.

Leave a comment