
NI NOEL ABUEL
Kinumpirma ng pamilya ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., ang pagkamatay nito sa mismong tahanan nito sa Naga City.
Sa inilabas na kalatas ni Ranton at Katrina Andaya sa pamamagitan ng Facebook post, sinabi ng mga ito na patay na ng matagpuan si ama ng mga itong si Nonoy Andaya Jr., 53-anyos, residente ng Saint Jude Orchard, Concepcion Grande, Naga City.
Gayunman hindi binanggit ng mga ito kung ano ang ikinamatay ng ama.
Nanawagan din ang pamilya nito ng panalangin at bigyan din sila ng pagkakataon na pribadong ipagluksa ang naturang pangyayari.
“With deep grief and sadness, we announce the untimely death of our father, former member of the House of Representatives, Rolando “Nonoy” G. Andaya, Jr., this morning, June 30, 2022,” sa FB post ng magkapatid.
“We request for your fervent prayers for his eternal repose, and to allow us, his family, to grieve privately our loss. Thank you very much,” bahagi ng statement pa nina Ranton at Katrina M. Andaya.
Base sa inisyal, sinabi ni P/Cpt. Anotonio Re. Per Jr., acting station commander ng PS2, nakatanggap ang mga ito ng ulat dakong alas-10:20 ng umaga hinggil sa pagpapakamatay umano ni Andaya.
Sa pahayag ng personal assistance ng dating kongresista na si John Mark Patrick Senary y Delima, nakarinig ito ng isang putok ng baril mula sa kuwarto ng mambabatas kung saan natagpuan ang wala nang buhay ng huli dahil sa tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo nito.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Si Andaya ay dating nanungkulan bilang House Majority Leader noong 17th Congress at taong 2006 hanggang 2010 ay nagsilbi rin itong kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng Arroyo administration.
