PBBM pormal nang nanumpa bilang pang ika-17 pangulong ng Pilipinas

Photo courtesy of PNA

NI NOEL ABUEL

Pormal nang nanumpa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ginawa ang makasaysayang seremonya sa National Museum sa Manila kung saan si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nag-administer ng panunumpa ni Marcos kasama ang buong pamilya nito.

“This is a historic moment for us all. You picked me to be your servant to enable changes to benefit all. I fully understand the gravity of the responsibility that you have put on my shoulders. I do not take it lightly, but I am ready for the task,” sa kanyang testimonya.

Matatandaan na ang ama ni PBBM na si late Ferdinand Marcos Sr., ay nanumpa rin sa National Museum noong Disyembre 30, 1965, at noong Disyembre 30, 1969, matapos ang kanyang reelection.

Sa kanyang kauna-unahang talumpati, inisa-isa ni Marcos ang mga dumating na bisita kabilang sina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating Pangulong Joseph Estrada, Senate President Vicente Sotto III, at iba pang pulitiko.

Hindi rin pinalagpas ni Marcos na banggitin ang pangalan ng kabiyak nitong si First Lady Liza Araneta-Marcos at mga anak na sina Sandro, Simon, at Vincent gayundin si dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ang 64-taong gulang na si Marcos Jr. ay nakakuha ng landslide victory sa May 9 elections sa mahigit sa 31 milyon boto.

Bago ang inagurasyon nito, nagbigay ng courtesy call kay outgoing President Rodrigo Duterte si Marcos Jr., sa Malacañang Palace.

Ang pagbabalik sa Malacañang Palace ni Marcos Jr., ang matapos ang 36 na taon, simula nang mapatalsik sa pwesto ang kanyang amang diktador na si late Ferdinand Marcos Sr.

Matapos ang maiksing pulong sa outgoing Chief Executive, umalis ng Palasyo ni Marcos Jr. eksaktong alas-10:55 a.m. para sa inagurasyon.

Ang 64-taong gulang na si Marcos Jr. ay nakakuha ng landslide victory sa May 9 elections sa nakuhang 31,629,783 boto o katumbas ng 58.77 porsiyento ng boto.

Leave a comment