Calabarzon mayroong worst jail– COA

photo courtesy by Getty images

Ni NOEL ABUEL

Naitala ng Region 4A o ng Cavite-Laguna-Batangas, Rizal-Quezon (Calabarzon) ang pinakamasamang kalagayan ng mga preso na nagsisiksikan sa mga piitan.

Sa 2021 audit ng Commission on Audit (COA) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), tinukoy ang San Mateo Municipal Jail-Male Dormitory na mayroong congestion rate na nasa 2,696 porsiyento habang ang Dasmariñas City Jail – Male Dormitory ay mayroong 2,283 porsiyento ng populasyon.

Sa San Mateo Jail, ang dapat sanang 1 prese sa bawat piitan ay nagiging 28 preso samantalang sa Dasmariñas City Jail ay 24 inmates.

Ayon pa sa COA, sa 337 na kabuuang 474 jail facilities, ikinokonsidera na sobrang siksikan at hindi nakasusunod sa United Nations Minimum Health Standard Rules for the Treatment of Prisoners na nagsasaad na dapat ay may maayos na bentilasyon at climatic conditions ang mga piitan sa bansa.

 Sa sariling Manual on Habitat, Water, Sanitation, and Kitchen in Jails ng BJMP, itinatakda na ang ideal habitable floor area per inmate ay nasa 4.7 square meters na may isang palikuran, wash area, at isang bath area na paghahatian ng dalawang deprived of liberty (PDLs).

Sinabi pa ng state auditors na Disyembre 30, 2021, ang kabuuang jail population sa bansa ay nasa 125,347 subalit sa datos ng BJMP ang jail space sa kasalukuyan ay para sa 43,133 PDLs.       

Natukoy rin ng COA sa BJMP Directorate for Operations, na sa kabuuang 113,144 PDLs, mahigit sa 90 porsiyento ay hindi pa nahahatulan ng korte.

Habang nasa 8,277 PDLs ang nagdurusa sa piitan at nasa tatlong taon na lamang sa piitan.

At sa mahigit sa 100,000 preso na nagsisiksikan sa piitan, tanging 3,296 lamang ang ikinokonsiderang insular PDLs o malapit nang bawian ng buhay.

“Congestion in jails leads not only to health and sanitation problems but also to increased gang affiliation of inmates. To sustain survival, inmates hold on to gangs …where they find protection, network of social support, and most importantly, access to material benefits,” sabi pa ng COA.

Nabatid pa na kung ikukumpara ang jail population kada taon, noong 2021 ay nasa 10,011 ang nadagdag sa 115,336 PDLs noong 2020.

Naitala ng Region 4A (Calabarzon) ang pinakamaraming inmate na nasa 3,802 na dagdag na PDLs at ang National Capital Region (NCR) ay nasa 2,140.

Tinukoy pa ng COA na kabilang sa dahilan ng over population sa piitan ay dahil sa mabagal na pagdinig ng korte, kawalan ng pampiyansa at pagkabalam sa pagtatayo ng bagong piitan o pagsasaayos nito.

Leave a comment