Mas matibay na bilateral relations ng Philippine-Korea pinaigting

Si Leyte Rep. Martin Romualdez habang pinangunahan ang pakikipadayalogo sa delegasyon ng Korean government para sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Korea.

Ni NOEL ABUEL

Mas pinaigting pa ng Pilipinas at ng South Korea ang bilateral relations ng mga ito sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,

Sa ginanap na pagpupulong nina Philippine delegation head Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez at Korea’s Majority Leader Kweon Seong Dong, nagkasundo ang mga ito na mas mapigtingin pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Ginanap ang pagpupulong sa Manila Golf and Country Club sa Makati City kung saan kasama rin sa delegasyon ng Pilipinas sina Davao de Oro Rep. Maricar Zamora, Quezon Rep. David Suarez, Bataan Rep. Geraldine Roman, Zamboanga City Rep. Manuel “Mannix” Dalipe, Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano at si presidential son at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.

Habang ang mga miyembro naman ng Korean delegation ay dinaluhan nina  Korean Ambassador Kim Inchul, Seo Il Jun, Yang Khum Hee, Kim Sun Kyo, Bae June Young, Lee Joo Hwan, Park Hyeung Soo, at Gang Gi Hoon.

Leave a comment