Divorce Bill inihain muli sa Kamara

Rep. Edcel Lagman

NI NOEL ABUEL

Muling inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang Divorce bill sa kabila ng hindi ito pumasa sa nakalipas na Kongreso.

Ayon kay Albay Rep. Edcel C. Lagman, pangunahing may-akda ng House Bill No. 78, umaasa ito na sa 19th Congress ay tuluyan nang maipasa ito.

Paliwanag nito, naniniwala itong panahon na para maipasa ang nasabing panukala upang magkaroon ng pagkakataon ang inaaping asawang babae na makalaya mula sa hindi na maibabalik at maayos na relasyon o labis na mapang-abusong mga relasyon sa mag-asawa.

Nabatid na noong 17th Congress ay naipasa ng Kamara ang kahalintulad na panukala subalit hindi naaksyunan sa Senado dahil sa kakulangan ng sapat na oras.

Maliban dito, noong 18th Congress din aniya ay inaprubahan ang divorce bill sa Committee on Population and Family Relations ngunit hindi rin ito naaksyunan ng Committee on Appropriations dahil naman sa Covid-19 pandemic.

Sinabi ni Lagman na ang panukala ay  naayon na rin sa Reproductive Health Act, na inihain din nito na ang biktima ay pawang mga kababaihan.

Aniya, ang Pilipinas na labas ang tanging bansa maliban sa Vatican, ang na nagbabawal sa ganap na diborsyo kahit na ang Catholic hierarchy ay nagbibigay ng canonical dissolution ng kasal.

“All other Catholic countries recognize absolute divorce in varying degrees of liberality. The bill reinstates absolute divorce because it was previously practiced by pre-Spanish Filipinos, and also during the American era and Japanese occupation,” sabi ni Lagman.

Leave a comment