4 Chinese nationals arestado sa tobacco smuggling

NI NERIO AGUAS

Kalaboso ang apat na Chinese nationals ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) matapos makumpiskahan ng ilang tobacco products at iba pang makina sa paggawa ng sigarilyo sa isang warehouse sa Cavite City.

Sa isinagawang pagsalakay ng mga ahente ng BoC at ng  pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation Special Action Unit (NBI SAU), Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa bisa ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) sa isang warehouse sa kahabaan ng Tanza-Trece Martires Road sa Brgy. De Ocampo, Trece Martirez, ng nasabing lalawigan kung saan nadakip ang apat na dayuhan.

Ayon sa BoC, natuklasan ang mga raw materials ng sigarilyo tulad ng tobacco filler, filter paper at paper rod, na tinatayang nagkakahalaga ng P105 milyon.

Nakita rin ang isang filter maker, dalawang cigarette makers, at anim na packing machines na nagkakahalaga ng P75 milyon; apat na box ng tax stamps na nagkakahalaga ng P18 milyon bawat isa o sa kabuuang P72 milyon; at 81 master cases ng Marvels cigarettes na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa o katumabas ng kabuuang P4.05 milyon.

Nabawi rin ang ilang cigarette products tulad ng Marvels, Two Moon, Mighty, at iba pa sa loob ng nasabing warehouse.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BoC habang inihahanda ang kasong smuggling laban sa apat na hindi pinakilalang mga Chinese nationals habang patuloy na hinahanap ang posibleng kasabwat ng mga ito.

Leave a comment