
NI NOEL ABUEL
Ipinarating ng United Nation Human Habitat sa pamamagitan ni Undersecretary Maimonah Mohd Sharif ang pagbati kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng bansa.
Ang pagbati ay ipinaabot kay Climate Change Commissioner Albert dela Cruz kasabay ng World Urban Forum na isinagawa sa Katowochi Poland noong Hunyo 25 hanggang Hunyo 30.
Dinaluhan ito ng 143 na mga bansa kung saan umabot sa 22,000 ang mga online at personal participants na pinangunahan ng mga World Ministers and Local Leaders gayundin ang mga nangungunang partner organizations.
Kabilang sa mga pangunahing paksa sa pulong ang Climate Change at Urban development in a post pandemic world.
Ipinagmalaki ni Dela Cruz ang localized mitigation and adaptation programs ni Pangulong Marcos sa Ilocos Norte province kung saan nang dahil sa combined solar power farm at hydro electric ay ang lalawigan ang mayroong “lowest carbon foot print” sa buong Asya.
Kabilang din sa mga panukala na isinulong ni Marcos sa pamamagitan ng Senate bill, 20-taon na ang nakakaraan ang bike lane at non-motorized vehicle incentives law at Climate Change subjects para sa mga secondary at tertiary schools.
Ipinagmalaki rin ni Dela Cruz ang mga accomplishments ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong ng dating Special Aide nitong si Senador Christopher Bong Go kung saan kabilang ang pag-secure sa Urban cities mula sa illegal drugs at iba pang criminal syndicates, mas malakas na institutions to serve justice, peace and order kung saan binigyang diin nito na kung hindi sa matibay na paninindigan ni Pangulong Duterte ay posibleng isa nang narco state ang Pilipinas.
