Ayuda sa mahihirap at lower-middle-income iginiit ng kongresista

Rep. Angelica Natasha Co

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Barangay Health Workers party list Rep. Angelica Natasha Co na kailangan nang isama ang mga lower-middle-income families na bigyan ng ayuda dahil sa patuloy na epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin.

“I represent the Barangay Health Workers and the frontliners in the health and wellness sector where there are tens of thousands of marginalized individuals and breadwinners. Inflation hits them hard. The impact on their household budgets is immediate and felt every day. I add my voice to the calls for more effective action, including targeted subsidies giving direct aid to the poor and lower-middle-income families,” sabi nito.

Sinabi pa ni Co na kailangang ibalik ng pamahalaan ang Libreng Sakay sa Metro Manila dahil sa malaking tulong ito sa mga ordinaryong manggagawa.

“We need Libreng Sakay buses and jeepneys going to Manila and linking to the EDSA route going south to Pasig, Mandaluyong, Makati, Pasay, Muntinlupa, and Paranaque. Libreng Sakay means immediate savings which can instead be used to buy food and medicines. Mas mahal na ngayon ang tinapay, mantika, gamot, pamasahe, at marami pang iba. Hindi sapat iyong pagtaas ng minimum wage,” paliwanag pa nito.

Dapat din aniyang ibalik ang pa-ayuda ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng TUPAD at CAMP dahil mabilis itong natanggap ng mga mahihirap na nagtatrabaho o nagsara ang negosyo.

“Ngayong July 5 nag-release ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng June inflation data. Nasa 6.1 percent ang latest inflation rate. Noong May, 5.4 percent ang inflation. National averages po lahat iyan. Kapag binusisi ang breakdown by region at by product group ng components ng consumer price index, makikita ninyo kung saan ang malakas tumama ang inflation. Nakita ko sa May at June 2022 inflation  data na mataas talaga sa transport dahil sa fuel prices gayundin sa mga pangunahing bilihin.

“Mas mataas ang inflation sa mga probinsiya kesa National Capital Region (NCR) lalo na sa ilang produkto. Transport costs kasi tumaas. Pero mataas din sa NCR dahil mataas ang consumer demand dito dahil sa dami ng tao. In the months ahead, expect higher prices of imported products and products with high import content. Those goods are affected by peso depreciation and high fuel costs,” sabi pa nito.

Binanggit pa ng mambabatas na tanging ang perang ipinapadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs)  para maging stable ang local supply.

“Kung meron kayong OFW, ngayon ang best time magpadala ng pera from abroad kasi mataas ang palit ng dollars to pesos ngayon. Makakatulong pati ang OFW dollar remittances na maging stable ang local supply ng dollars dito sa Pilipinas,” ayon pa ka Co.

Leave a comment