
Ni NOEL ABUEL
Umapela sa mga Filipino na mas lalong pahalagahan at paigtingin ang pakikipagkaibigan sa bansang Spain dahil sa hindi maitatangging maraming katangian nito ang nasa dugo na ng mga Pinoy.
Sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Philippine -Spanish Friendship day at 123rd Anniversary of Historic Siege of Baler, sinabi ni Senador Sonny Angara na malaki ang naiambag ng bansang Espanya sa Pilipinas lalo na noong panahon ng COVID-19 kung saan mahigit sa 43,000 Moderna vaccines.
“That’s 330 years of history and if we want to be positive, if we want to look forward, we celebrated 500 years eh, nag-celebrate tayo nu’ng quincentennial nu’ng Phil-Spanish relations natin. So it’s something special because you look around us the Spanish influence is everywhere. It’s in our names, it’s in our blood, it’s in our food. Everywhere you go you cannot escape it. So I think it is something we can celebrate something to push forward to deepen not just sa level ng government pero pati sa level ng individual sa private sector I think marami tayong pwedeng gawin,” sa ambush interview kay Angara matapos ang nasabing okasyon.
Dagdag pa ni Angara, malaki ang dapat na matutunan ng mga Filipino sa gobyerno ng Spain na bagama’t bagsak ang kanilang manufacturing industry ay buhay naman ang kanilang tourism industry.
“One thing we can learn from the Spaniards is how strong tourism. Binubuhay talaga ng tourism ang kanilang ekonomiya kahit bagsak ang kanilang industriya ang kanilang manufacturing buhay na buhay ang kanilang turismo so ‘yan ang puntahan ng mga taga-England, taga-Germany they get I think close to 30M tourist a year kung di ako nagkakamali ang population nila mas maliit pa sa Pilipinas. Tayo ano ang bilang ng tourist natin parang 6-7 milyon lang tayo. I think they go to Spain because they see a lot of history preserved. Tayo dito sa Pilipinas that something we can learn. That’s why we are pushing for Philippine-Spanish Friendship we want to show that to the world tayo lang ang kin-colonize ng Spain sa Asya so we are unique, it is something that we can leverage on,” sabi pa ng senador.
Nagpasalamat si Angara kay Spanish Ambassador to the Philippines Ambassador Jorge Moragas Sanchez sa ginawang pagtulong ng kasagsagan ng hagupit ng COVID-19.
Bukod dito sinabi rin ng senador na tumutulong din ang mga kumpanya ng Spain para sa pagpapaunlad ng Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao (BARMM) at mga ilan pang rehiyon sa bansa.
Nagpasalamat naman si Ambassador Sanchez kay Angara at sa yumaong ama na si dating Senador Edgardo Angara sa patuloy na pagkilala sa kanilang bansa at mamamayan sa pamamagitan ng taunang anibersaryo ng Philippine -Spanish Friendship day at paggunita ng Historical Siege of Baler kung saan ilang mga sundalong Kastila noon ang nagtago sa San Luis Church o Baler Church nang kubkubin ng sundalong Amerikano ang naturang lugar.
Bukod kay Angara at mga opisyal ng lalawigan dumalo rin sa naturang okasyon si National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante at hindi naman nakadalo si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco matapos na magpakita ng senyales ng COVID-19 tulad ng pamamalat ng lalamunan.
Nabatid na si Frasco ay kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ipinatawag na cabinet meeting noong nakaraang linggo kung saan nagpositibo ang Pangulo.
