Pagpapalakas sa e-commerce tulong sa MSMEs at ekonomiya — solon

Rep. Martin Romualdez

NI NOEL ABUEL

Naniniwala ang ilang kongresista na dahil sa kawalan ng tiwala ng publiko sa mga nagbebenta sa pamamagitan ng internet kung kaya’t hindi umuunlad ang e-commerce sector sa bansa.

 Ito ang tugon ni Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez kung kaya’t inihain nito ang panukalang batas na naglalayong palakasin ang e-commerce upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

                Nabatid na ilan din sa suliranin ng e-commerce sa kasalukuyan ay dahil sa mabagal na internet speed at ang sindikato ng cybercrime.

Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 4 o ang Internet Transactions Act, layon nito na tulungan ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng pagpapalakas sa e-commerce sa bansa.

Maliban kay Romualdez, kasama rin sa naghain ng panukala sina Tingog party list Reps.  Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, at  Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos.

Nakasaad pa sa panukala, na sa pag-aaral ng ng Google at Temasek noong 2019, sa ASEAN lamang ay ang internet economy ang nakakaranas ng paglago ng Gross Mechandise Value (GMV) sa Southeast Asia na umabot sa $100-billion mark, at sa inaasahang aabot ito ng $300 bilyon sa 2025.

Natukoy rin na ang Pilipinas ang may pinakamababang GMV noong 2019 sa $7 bilyon, na mas mababa sa Malaysia ($11 billion), Vietnam ($12 billion),  Singapore ($12 billion), Thailand ($16 billion), at Indonesia ($40 billion).

Ito anila ay sa kabila ang Pilipinas ay may pinakamatagal na gumagamit ng internet sa social media.

“This—despite the Philippines’ estimated 76 million active Internet users and high Internet penetration rate (71 percent vis-a-vis 54 percent global average), longer spent hours daily on the Internet (10 hours vis-a-vis global average of six hours and 42 minutes), and very high social media penetration for population aged 13 and above (99 percent vis-a-vis 50 percent global average),” sa explanatory note ng panukala.

“Philippine MSMEs (micro, small, and medium enterprises) lag behind the adoption of e-commerce because enterprises either find using digital technology platforms too difficult, or are unaware of the benefits they offer. The Philippines also lacks policies and regulations that will facilitate online transactions and cross-border trade processes,” dagdag pa nito.

Nakasaad din sa panukala ang pagtatayo ng E-Commerce Bureau na ilalagay sa ilalim ng  Department of Trade and Industry (DTI).

Leave a comment