Sahod ng Immigration officer ihahalintulad sa PNP

Rep. Marcelino Libanan

NI NOEL ABUEL

Naniniwala ang isang kongresista na dahil sa mababang pasahod sa ilang ahensya ng pamahalaan kung bakit walang nag-a-apply ng trabaho sa pamahalaan.

Inihalimbawa ni 4Ps party list Rep. Marcelino Libanan ang Bureau of Immigration (BI) na sa kasalukuyan ay nagkukulang sa mga  tauhan dahil sa mababang suweldo kung ikukumpara sa ilang trabaho sa gobyerno.

“The BI has been severely understaffed for years due to low pay. In fact, of the bureau’s 2,772 authorized permanent positions, around 27 percent or 745 positions, remain vacant up to now simply because there are no takers,” sabi ni Libanan, na dati ring naging commissioner ng BI noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“An immigration officer’s starting pay is only P27,000 per month at Salary Grade (SG) 11. This is two notches lower than a police patrolman’s entry-level pay of P31,320 at SG 13,” dagdag pa ng dating kongresista ng Eastern Samar.

Sa inihain nitong House Bill 1069, o Bureau of Immigration Modernization Act, nais nitong gawing SG 13 ang Immigration Officer 1 na kahalintulad sa mababang ranggo ng isang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Samantala, sa mga Immigration Officer 2 mula sa P31,320 (SG 13) ay gagawing SG 15 o katumbas ng P36,619 habang sa Immigration Officer 3 ay gagawing P46,725 (SG 18) mula sa kasalukuyang P39,672 (SG 16) at ang  mga Senior Immigration Officer ay gagawing SG 20 katumbas ng suweldong P57,347 mula sa kasalukuyang P51,357 (SG 19).

Sa ilalim din ng panukala, magkakaroon ng bagong Immigration Academy para sa career advancement at sa Internal Affairs Service, na magiging watchdog laban sa mga sangkot sa illegal na gawain ng isang BI employee.

Leave a comment