E-Government Priority Plan ni Rep. Romualdez suportado ng Bicolano legislators

Rep. LRay Villafuerte

NI NOEL ABUEL

Suportado ng ilang kongresista na kabilang sa Bicolano legislators sa pangunguna ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang panukala ni incoming House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na iprayoridad ang digital transformation ng pamahalaan.

Sa inihaing House Bill no. 277 nina Villafuerte, Camarines Sur Reps. Miguel Luis Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata, at Bicol Saro Rep. Nicolas Enciso VIII, nais ng mga itong gumawa at interlink electronic government o e-government services upang makausad sa post-pandemic new normal ang bansa.

Sinabi ni Villafuerte na ang e-Government system ay magpapabuti ng negosyo at pataasin ang imahe ng basa bilang isang nangungunang investment haven habang hinahayaan ang mga Filipino na magpatuloy sa pakikipagtransaksyon sa pamahalaan na hindi na kinakailangan pang matungo sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Una nang inihain ni Romualdez, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, at Tingog party list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ang HB 3 na naglalayong atasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na lumipat sa digital platforms para sa paghahatid ng mas malinaw at mas mahusay na serbisyo.

Paliwanag ni Villafuerte, ang HB 277 ay magbibigay-daan sa Marcos administration na gamitin ang bagong tatag na Department of Information and Communication Technology (DICT) para isama ang Information and Communications Technology (ICT) development sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

Sa ilalim din ng HB 277, inaatasan ang DICT na bumuo at iimplementa ang E-Government Master Plan, kabilang ang pagsasama sa citizen frontline services ng lahat ng ahensya na humahawak sa business registration, digitization ng archives and records management information systems (MIS) sa lahat ng opisina at paggamit ng Internet-based electronic payment facility na magagamit ng taumbayan at mga kumpanya na magbayad ng electronically sa mga ahensya ng pamahalaan.

“More efficient government services through the proposed E-Government seek to minimize corruption by minimizing the human intervention component in government transactions,” ani Villafuerte.

Leave a comment