Gobyerno at LGUs magtutulungan sa agri production — DOF chief

DOF Sec. Benjamin Diokno

NI MJ SULLIVAN

Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na nakikipagtulungan na ang pamahalaan sa mga local government units (LGUs) upang matupad ang pangarap ni Pangulong President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pataasin ang produksyon sa sektor ng agrikultura sa kabila ng patuloy na pag-angkat ng bigas at iba pang pangunahing pagkain.

Ayon kay Diokno, ang mga LGUs ay may financial capability na para tumulong sa pagpapalakas ng food production kasunod ng pagpapatupad simula ngayong taon ng utos ng Korte Suprema na dagdagan ang kanilang bahagi sa national tax collections.

Nakasaad aniya sa Mandanas-Garcia petition sa internal revenue allotment (IRA) ng LGUs, ang utos ng Supreme Court (SC) na ang hati ng LGUs ay manggagaling sa 40 porisyento ng lahat ng national taxes na nakokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BOC).

“Under the current setup, the agriculture extension work is the responsibility of the local governments. So maybe, [there has to be] coordination with the local governments which incidentally have a lot more money now because of the Mandanas ruling. So there will be, maybe, a friendly competition among the local governments to boost [the production of] agricultural products,” sabi ng kalihim.

Nabatid na ang IRA share ng LGUs ay nanggaling lamang sa buwis na nakokolekta ng BIR sa ilalim ng lumang sistema at sa implementasyon ng SC ruling, ang IRA ay pinangalanang National Tax Allotment (NTA).

Sa ulat ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) sa DOF noong nakaraang administrasyon ay nagpakita na ang total current operating income ng LGUs ay umakyat ng 19.4 porsiyento sa unang bahagi ng 2022 mula P319.42 bilyon ay naging P267.55 bilyon na iniulat sa kahalintulad na ulat ng 2021.

Iniuugnay ng BLGF ang pagtaas na ito sa pagpapatupad simula ngayong taon ng desisyon ng SC Mandanas-Garcia case.

Sinabi ni Diokno na habang ang demand sa ilang produktong pagkain ay lumampas supply, patuloy pa ring mag-aangkat ang pamahalaan.

Ang pagtaas na produksyon at pag-angkat ay pagtutulungan ng pamahalaang nasyunal at ng lokal na pamahalaan upang masiguro na magiging sapat ang supply at presyo ng pagkain.

“[The President has] been looking into the individual subsectors, such as rice, corn, high-value crops, and fish. They have to look at each of these subsectors to increase production in the agricultural sector,” sabi ni Diokno.

Leave a comment