OPSF muling bubuhayin sa Kamara

NI NOEL ABUEL

Muling bubuhayin sa Kamara ang Oil Price Stabilization Fund (OPSF) na dating pinatupad ng Marcos administration noong 1984 upang makatulong sa paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Deputy Speaker at 1-Pacman Rep. Mikee Romero, nais nitong buhayin ang lumang OPSF na makakatulong sa pabagu-bagong presyo ng oil products at sa palitan ng dolyar sa peso.

“We should revive the OPSF or establish a similar buffer fund, which the government could use to avoid frequent adjustments in the pump prices of oil products due to fluctuations in the cost of crude oil in the world market and in the peso-dollar exchange rate,” sabi ng kongresista.

Aniya sa kasalukuyan, linggu-linggo na ang paggalaw at presyo ng domestic pump, kung saan inaasahang bababa ang presyo ng diesel ngayong linggo ng hindi bababa sa P5 kada litro matapos tumaas ng P6 noong nakaraang linggo.

Ayon pa kay Romero, na isang ekonomista, na ang presyo ay mananatiling  pabagu-bago dahil na rin sa patuloy na sigalot sa pagitan ng Russia-Ukraine at pagbangon ng mga bansa mula sa epekto ng Covid-19 pandemic.

Idinagdag pa ng kongresista na ang buffer mechanism ay gagalaw sa paraang sasagutin nito ang ilang partikular na pagtataas ng presyo upang hindi ito maipasa sa publiko .

Sa panukala pa ni Romero, ang pondo ay manggagaling sa mas mataas na excise taxes na ipinapataw sa diesel, gasoline, cooking gas, at iba pang oil products sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Since the government is not agreeable to the suggested suspension of excise taxes while the cost of crude is above $80 per barrel, we could use part of these impositions as a price stabilization fund to provide relief to the public from increased fuel and consumer prices,” sabi pa nito.

Umaasa aniya ito na bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panukala nito sa kadahilanang ang ama nito ang bumuo ng OPSF sa ilalim ng Presidential Decree No. 1956 na inilabas noong Oktubre 10, 1984.

Leave a comment