PBBM pinuri ng kongresista sa food security plan

Rep. Teodorico Haresco Jr.

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. ang mga plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hanapan ng solusyon at pagsisikap na tugunan ang katatagan ng presyo ng pagkain sa pamamagitan ng food security.

Magugunitang si Pangulong Marcos, bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA), ay nangakong maglalagay ng isang maayos na programa para sa pag-unlad ng agrikultura ng bansa upang patatagin ang supply ng pagkain at mapabuti ang produksyon ng pagkain bilang tugon sa nagbabantang pandaigdigang krisis sa pagkain na babala ng World Bank (WB), ng World Trade Organization (WTO), ng United Nations Food  Agriculture and Organization at ng World Food Programme (WFP).

“President Marcos is spot on about agricultural development – ensuring food security, mitigating imported inflation, and addressing inflation expectations, are among the important things needed to be done,” ani Haresco.

Iminungkahi rin ni Haresco na ang lalawigan ng Aklan ay maaaring maging isang modelo ng tagumpay para sa pag-unlad ng agrikultura at seguridad sa pagkain ng administrasyong Marcos.

“With the recent tourism boom in Aklan Province, particularly the huge reliable market of Boracay Island with its almost vertical take-off of tourist arrivals, Aklan’s domestic supply of agricultural products like eggs, poultry, swine, and rice can be easily tripled,” paliwanag pa ni Haresco.

Ayon sa ulat ng municipal tourism office ng Malay sa lalawigan ng Aklan, kung saan matatagpuan ang Boracay, patuloy ang pagdagsa ng mga dayuhang turista sa isla na naitala sa 69 porsiyentong pagtaas.

“Our national government’s role would be to assist farmers with inputs like fertilizer, seeds, farm implements, irrigation and roads, to which President Marcos describes,” sabi pa ng mambabatas.

Sinabi rin ng mambabatas na kung ang mga ahensiya ng pambansang pamahalaan tulad ng National Irrigation Administration (NIA), DA, at Landbank of the Philippines (LBP) ay magkakaisa ng kanilang mga programa para palakasin ang suplay ng agrikultura ng Aklan upang matugunan ang ‘demand ng Boracay’, ito ay maaaring makatulong sa pagpapahina ng  pangangailangan para sa mga mangangalakal at komunidad ng negosyo na taasan ang kanilang mga presyo, at tinutugunan ang problema sa inaasahang inflation at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Leave a comment