Philippine Coast Guard  tumanggap ng 6,357.8 litro ng diesel fuel sa BOC

NI NERIO AGUAS

Tumanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 6,357.8 litro ng diesel fuel mula sa Bureau of Customs-Clark na kabilang sa nakumpiska ng Pork of Clark noong Setyembre 2021.

Ayon sa BOC, malaking tulong ang nasabing nakumpiskang kargamento para sa maritime operations ng PCG sa mga karagatan sakop ng Pilipinas.

Pinangunahan ni PCG Task Unit One Stop Shop Subic Commander CG LTJG Eunica Marie Tomioka ang pagtanggap ng nasabing kargamento habang sa panig ng BOC ay si District Collector Alexandra Lumontad.

Kabilang din sa dumalo turn-over sina Deputy Collector for Operations Jesus Llorando, Chief of Auction and Cargo Disposal Unit Atty. Eleazar Rabanes at kinatawan mula Enforcement & Security Service (ESS) at Customs Intelligence & Investigation Service (CIIS).

Nabatid na ang nasabing unmarked fuel ay nakumpiska ng Port of Clark sa pamamagitan ng Letter of Authority (LOA) na inilabas ni dating BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero kung saan kinumpiska ito pabor sa gobyerno dahil sa paglabag sa Section 7 of DOF-BOC-BIR Joint Circular 001.2021, na nag-uutos sa Implementing Guidelines for Field Testing sa ilalim ng Fuel Marking Program.

Sa pamamagitan ng probisyon ng R.A. No. 10863 o mas kilalang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at pagsang-ayon ng kalihim ng Department of Finance (DOF), ang donasyon ay naglalayong matulungan ang PCG sa maritime search & rescue, safety and security operations.

Leave a comment