Kontrobesya PHSA imbestigahan — solon

Rep. Bernadette Herrera

NI NOEL ABUEL

Nagpahayag ng suporta ang isang kongresista kay Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte na imbestigahan ang nangyayaring pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Los Baños, Laguna.

Sinabi ni Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera na nalulungkot ito na may nangyayaring hindi maganda sa loob ng eskuwelahan na ang biktima ay pawang mga estudyante.

“No educational institution in this country should ever be an environment where young people feel unsafe, let alone somewhere that any form of abuse can take place,” giit ng mambabatas.

“We fully support the call by Vice President Duterte for a deep probe into reports of what appears to be a disturbing culture in the PHSA,” dagdag nito.

Una nang hiniling ni Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa alegasyon ng sexual, verbal at emotional abuse sa mga estuyante ng PHSA.

Nagpadala na rin ang DepEd ng mga tauhan nito para alamin ang nangyayari sa loob ng PHSA na nabulgar sa ulat ng Vice World News hinggil sa pang-aabuso sa mga estudyante sa kamay ng mga guro at staff ng nasabing eskuwelahan.

Sa nasabing ulat, sinasabing matagal nang nangyayari ang pang-aabuso sa mga estudyante subalit isinasantabi ng school authorities.

Giit ni Herrera dapat na matigil ang nasabing pang-aabuso at papanagutin ang mga sangkot dito.

Leave a comment