DPWH muling magsasagawa ng road repairs sa Metro Manila

NI NERIO AGUAS

Nagpalabas ng abiso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista commuters na muling magsasagawa ng road repair sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue, C-5, at sa ibang bahagi ng Quezon City.

Sinabi ni DPWH National Capital Regional Director Nomer Abel P. Canlas, ang isasagawang road rehabilitation activities ay magsisimula ganap na alas-11:00 ng gabi ng Biyernes, Hulyo 15, 2022 dahil sa isasagawang pagpapatuloy ng pagsasaayos sa road segments ng EDSA Northbound sa kahabaan ng Santolan MRT Station, bus lane; kasunod ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora Tunnel, ikatlong linya mula sa center island (fast lane);  Aurora Boulevard hanggang New York Street, 3rd lane mula sa center island (intermittent section); at ang Kamuning Road at Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station, sa center island sa Quezon City.

Gayundin, muling isasagawa ang DPWH aang pagsasaayos ng kalsada sa kahabaan ng EDSA Southbound, mula Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge sa Quezon City.

At ang second lane ng C-5 Southbound sa Makati City ay isasara rin para sa pagsasayos.

Habang ang iba pang repair works sa Quezon City ay gagawin sa Quirino Highway, sa Manila North Diversion Road (MNDR) Flyover, 2nd inner lane; Cloverleaf (CHN.000 – CHN 258) patungo sa NLEX Northbound; at Cloverleaf (CHN.000 – CHN 234) patungo sa NLEX Southbound.

Dahil sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko ay pinayuhan ng DPWH ang mga motorist na gumamit ng ibang alternate routes hanggang sa matapos at mabuksan ang kalsada sa araw ng Lunes, Hulyo 18, 2022 ganap na alas-5:00 ng madaling-araw.

Leave a comment