Pagpapatibay ng Fiscal Consolidation and Resource Mobilization Plan ng DOF iginiit

Rep. Teodorico Haresco Jr.

NI NOEL ABUEL

Iginiit ni Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr. ang pangangailangan na pagtibayin ang Fiscal Consolidation and Resource Mobilization Plan ng Department of Finance (DOF) ng nakalipas na administrasyon upang tugunan ang nararanasang krisis sa ekonomiya ng bansa dulot ng pandemya, inflation, at natitirang pambansang utang.

“The needs of the times require the government to prioritize seeking additional sources of revenue to pay off national debt and finance its programs. This can be made possible through a fiscal robustness strategy focused on refocusing our current tax laws and revenue collection,” ayon sa kongresista.

Inendorso ng beteranong mambabatas ang 2022 Fiscal Consolidation and Resource Mobilization Plan na inilabas ng administrasyong Duterte sa pangunguna ni dating DOF Sec. Carlos Dominguez III.

Ang nasabing plano ay naglalayong dagdagan ang umiiral na batas sa pagbubuwis para sa mas epektibong koleksyon ng kita.

Kabilang aniya na kapansin-pansing punto nito ay ang pagpapaliban sa pagbabawas ng personal income tax ng TRAIN, pagbabago sa value-added tax (VAT) system, karagdagang mga excise tax, pagpapalawak sa sin tax, sa mga casinos at pagpapataw ng gaming tax sa electronic betting; carbon emissions at cryptocurrency taxes; at ang pagpapalawig ng tax administration kabilang ang social media influencers.

Ang inflation rate sa bansa ay umabot sa tatlong taong mataas na may 6.1 porsiyento para sa Hunyo 2022, dulot ng mataas na annual growth rate sa presyo ng pagkain, inumin, at iba pang pangunahing bilihin, tulad ng iniulat ng Philippine Statistics Authority.

Sumasang-ayon si Rep. Haresco kay Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno at kumpiyansa na ang economics-finance team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na may sapat na kasanayan hinggil sa pananalapi.

Leave a comment