Proteksyon ng mga delivery riders vs pekeng booking inihain sa Kamara

Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera

NI NOEL ABUEL

Inihain sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga delivery riders laban sa mga pekeng bookings at pagpapanagot sa gumagawa nito.

Sa ilalim ng inihaing House Bill 1010, o ang “Magna Carta of E-Commerce Delivery Personnel,” ni Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera, poproteksyunan ang mga delivery riders tulad ng Grab, Lazada at Shopee mula sa fraudulent bookings at pagpaparusa sa mga customers na biglang nagkakansela ng kanilang orders.

Ayon sa mambabatas, muli nitong inihain ang panukala dahil sa patuloy na nangyayari ang pekeng booking kung kaya’t kailangan nang bigyan ng proteksyon ang mga  independent courier o delivery riders lalo na ang naging malaki ang naitulong nito noong panahon ng COVID019 pandemic.

Sa House Bill 1010, layon nito na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga delivery riders sa pamamagitan ng pagsusulong ng cashless payment sa home deliveries at pagpaparusa sa mga nagkakasela ng cash on delivery o COD transactions.

“In order to increase efficiency and protect the welfare of delivery riders whose lives put at stake to keep us safe within our homes, this bill seeks to provide more secure measures to these service providers and penalize those who unreasonably and inconveniently cancel their orders upon delivery,” sabi ni Herrera.

Sinabi pa nito na ang cashless transaction ay magiging sagot hindi lamang upang makaiwas sa virus transmission sa pamamagitan ng currency notes kung hindi mapoprotektahan ang mga delivery workers mula sa abusadong customers.

“Customers are more responsible for their purchases when they opt to pay online and in advance, while delivery rider simply transport the items to the customers’ homes without having to bear the costs,” paliwanag pa ni Herrera.

Sinabi pa ng mambabatas na dumarami ang bilang ng mga kaso kung saan kinakansela ng mga customers ang kanilang mga orders at nalulugi ang mga e-commerce courier dahil inabonohan na ng mga ito ang produkto.

“As a result, the delivery rider loses precious time and money, while they are stuck with the customer’s cancelled order,” ani Herrera na nagsabing ang mga delivery driver ay kumikita lamang ng buwanang sahoh na P15,000 hanggang P20,000 para sa pamilya ng mga ito.

“Cancellations for cash deliveries create a triple burden for the delivery riders as they waste time, shoulder expenses, and expose themselves to the dangers of being infected,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukalang batas, ipagbabawal na ang pagkansela ng customers sa booking nito kung saan sa sandaling maging batas ang panukala ay mahaharap sa pagkakakulong ng 3 buwan at multang P10,000 hanggang P50,000.

Leave a comment