Sawa na kami sa baha: Pagtatatag ng Sierra Madre Development Authority ang solusyon– solon  

Rep. Fidel Nograles

NI NOEL ABUEL

“Kami sa Montalban ay sawa na sa baha, sa takot at perhuwisyo na dulot nito. Lagi na lang nangangamba sa tuwing darating ang tag-ulan”.

Ito ang apela ni Rizal Rep. Fidel Nograles sa mga kapwa mambabatas at nanawagan na suportahan ang inihain nitong House Bill No. 1972 na nag-aatas na magtatag ng Sierra Madre Development Authority na naglalayong paigtingin ang pag-aaral sa usapin ng climate change.

 Ayon sa mambabatas, malaking tulong na magkaroon ng SMDA na aatasang mangalaga at isaayos ang 500-kilometer-long Sierra Madre Mountain Range upang matulungang maprotektahan ang kagubatan at maiwasan ang pagbaha sa Luzon.

“I hope that with Pres. Bongbong Marcos vowing to prioritize climate change, the House leadership will follow and place this issue at the top of our legislative agenda. The effects of climate change sweep far and wide and affect all sectors of society and governance, so we cannot simply turn a blind eye,” sabi ni Nograles.

Ayon pa sa mamababatas, mahalagang maprotektahan ang Sierra Madre region, na kinabibilangan ng karamihan ng 68 Protected Areas, na binubuo ng national parks, watershed forest reserves, natural monuments, marine reserves, at protected landscapes at seascapes.

Dagdag pa ni Nograles, pangungunahan ng SMDA ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal logging at isulong ang reforestation, pigilan ang pagtatayo ng hindi nararapat at illegal na imprastraktura, pagsasaayos sa indigenous resources sa lugar na magagamit para sa ikauunlad at turuan ang mga tao sa kahalagahan ng  mga mountain range.

“The onset of the rainy season should serve as a stark warning for us in Congress that climate change is not an issue that will go away. We need to confront it head-on and seek to craft legislation that would comprehensively address the myriad issues surrounding it,” sabi nito.

Leave a comment