PHL Women Football Team pararangalan ng Senado

NI NOEL ABUEL

Nakatakdang parangalan ng Senado ang mga miyembro ng Philippine National Women’s Football team na Filipinas sa matagumpay na pagkakapanalo sa kauna-unahang Championship crown sa kasaysayan ng ASEAN Football Federation.

Sa inihaing resolusyon ni Senador Manuel “Lito” Lapid, mahalagang kilalanin ang ginawang sakripisyo ng mga miyembro ng Filipinas football team  para makuha ang korona sa ginanap ang laban sa Rizal Memorial Stadium sa Manila laban sa manlalaro ng bansang Thailand.

 “The Philippine Women’s National Football Team deserves the highest praise and commendation for bringing honor and recognition to the country and for serving as an inspiration to future generations of Filipino athletes. Hindi biro ang maging atleta lalo na sa mga panahong may kinakaharap tayo na pandemya. Kailangan ng matinding pokus at determinasyon upang maging mahusay sa inyong mga napiling larangan. Kaya naman nararapat lang na ating bigyang pagpupugay at parangal ang ating mga atletang patuloy na nagbibigay karangalan sa ating bansa,” paliwanag ni Lapid.

Tinukoy pa ng senador na marami pang mga Filipino athletes ang gumagawa ngayon ng kasaysayan sa mga international sporting events sa ibang bansa.

“Ang pagkapanalo ng Filipinas ay patunay na lalong dumarami ang mga mahusay na atletang Pinoy na kayang makipagsabayan sa ibang mga bansa. Higit sa medalyang uwi ninyo, ay ang inspirasyon na dinulot ninyo sa sambayanang Filipino. Kasama natin ang mga Filipino sa buong mundo sa pagbubunyi at pagbibigay-pugay sa ating mga bagong kampeon,” sabi pa ni Lapid.

Nabatid na ipinalasap ng mga Filipino lady booters ang kauna-unahang pagkatalo ng mga manlalaro ng Thailand sa nasabing torneo matapos ang iskor na 3-0 at naglagay sa kasaysayan ang Pilipinas na kauna-unahang pagkakataon ay nagwagi sa ilalim ng AFF.  

Leave a comment