
NI RHENZ SALONGA
Mananatili sa kasalukuyang COVID-19 alert level system ang buong bansa.
Ito ang iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsasabing patuloy pa ring binabantayan ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon ng COVID-19 cases.
“To avoid confusion, we will retain the alert level system for now. We are however thinking, we are studying very closely, and we’ll come to a decision very soon as to decoupling the restrictions from the alert levels,” sabi ni Marcos matapos ang pulong nit okay DOH-officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Paliwanag ng Pangulo, maaari naman aniyang mabago ang alert level kung mas maraming tao ang makakakuha ng bakuna at booster shots.
Sinabi naman ni Vergeire, na posibleng sa ikalawang linggo ng buwan ng Agosto ay magrerekomenda ang DOH ng bagong klasipikasyon ng alert level.
Aminado si Vergeire na sa kasalukuyan ay nakakaranas ng pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa nakahahawang Omicron BA.5 variant.
Kasabay nito, nagbabala ang DOH official na hindi malayong dumami ang kaso ng COVID-19 cases sa bansa sa buwan ng Setyembre kung magmamatigas pa ring magpabakuna ang lahat ng Pilipino.
“So that’s why we really wanted to capture all of this eligible population bago dumating ‘yung time na projection na sinasabing September,” sabi ni Vergeire.
