
NI NERIO AGUAS
Arestado ang isang lalaki makaraang mahulihan ng ecstasy na nagkakahalaga ng P5.072 milyon sa lalawigan ng Cebu City.
Ayon sa BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, hinintay ng mga awtordidad ang pagdating ng kukuha ng nasabing kargamento at nang dumating ang isang lalaki na nagpakilalang claimant ay agad na inaresto.
Una nito, nasabat ng NAIA-Inter-agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) na pinagsanib na puwersa ng BOC Port of NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 2,984 piraso ng ecstasy na dumating sa NAIA na nanggaling sa Netherlands at idineklarang mga damit ng babae.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilalang Dangerous Drug Act at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang nasabing indibiduwal habang nagsasagawa pa ng follow up operation hinggil dito.
Sa datos ng BOC-NAIA, at NAIA-IADITG at PDEA, nagiging matagumpay ang kampanya ng mga ito sa pagsabat sa pagpasok ng mga illegal drugs sa bansa kung saan 2019 ay nasa 31 drug-related busts ang naisagawa at 43 drug busts noong 2020, at 57 drug busts noong 2021.
