Lakas-CMD may 64 miyembro na sa Kamara

Si Leyte Rep. Martin Romualdez habang pinanunumpa sina Davao City 3rd district Rep. Isidor Ungab (gitna) Davao City 2nd district Rep. Alan Dujali at Davao del Norte Rep. Vincent Garcia, bilang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD. Nakamasid at naging saksi si Vice President Sara Duterte
Si Leyte Rep. Martin Romualdez at Vice President Sara Duterte habang pinanunumpa sina Camarines Norte Rep. Josefina Tallado at Maguindanao Rep. Dimple Mastura bilang bagong miyembro rin ng Lakas-CMD.

NI NOEL ABUEL

Nadagdagan muli ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) makaraang apat na kongresista ang sumanib na rin sa nasabing partido kung saan nasa 64 ang kabuuang bilang ng mga miyembro nito.

Kabilang sa mga bagong kongresistang sumanib sa Lakas-CMD sina Davao City Reps. Isidro Ungab at  Vincent Garcia, gayundin sina Davao del Norte Rep. Alan Dujali at Camarines Rep. Josefina Tallado.

Samantala, si Maguindanao Rep. Dimple Mastura na una nang sumanib sa Lakas-CMD ay pormal nang nanumpa sa partido.

Nanumpa sina Ungab, Garcia, Dujali, Tallado at Mastura sa isang simplemg seremonya sa Manila City kay Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD at naging saksi si Vice President Sara Duterte, na co-chairperson ng partido.

Sa nasabi ring okasyon, pinanumpa rin ni Romualdez ang ilang alkalde sa bansa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD kabilang sina dating Surigao del Norte Gov. Francisco Matugas, Burgos Mayor Angie Arcena, Dapa Mayor Elizabeth Matugas, Del Carmen Mayor Alfredo Coro II, General Luna Mayor Sol Matugas, Mainit Mayor Crisanta Mondano, Pilar Mayor Maria Liza Resurreccion, San Benito Mayor Gina Menil, San Isidro Mayor Lamberto Domiños Jr., Santa Monica Mayor Arwela Dolar, at Socorro Mayor Reizl Timcang ng Surigao del Norte province.

Hindi naman naitago ni Romualdez ang saya at mga kapw nitong lider ng partido sa pagsama ng mga kongresista sa Lakas-CMD.

“We await with great expectations opportunities for engaging and bonding with them and the rest of our membership. We hope they will have an enjoyable and fruitful engagement with us,” ani Romualdez.

Nanindigan si Romualdez na 100 porsiyento ang ibibigay  na suporta sa legislative at unity agenda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Si Ungab na dating nanungkulan bilang chairman ng House committee on appropriations na nagsiyasat sa annual national budget.

Habang si Romualdez ay dating naging House Majority Leader noong 18t Congress.

Noong nakaraang linggo, ilan pang mambabatas ang sumanib sa Lakas-CMD kabilang sina Albay Rep.  Joey Sarte Salceda, Pangasinan Rep. Rachel Arenas, Isabela Rep. Paul Ian Dy, Bohol Rep. Maria Vanessa Aumentao, at si Claude Bautista of Davao Occidental, na pangulo ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Leave a comment