
Ni NOEL ABUEL
Inihain sa Kamara ang isa pang resolusyon para bigyan ng pagkilala at parangal ang koponan ng Philippine Women’s Football Team para sa kanilang tagumpay sa ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship 2022.
Sa House Resolution no. 73 na ipinanukala ni Bacolod City Rep. Greg Gasatasaya, na ang tagumpay ng Philippine Women’s Football Team ay unang tagumpay ng bansa na dapat kilalanin.
“With the recent lifting of the ban on sports events due to the pandemic, it is an honor for Filipinos to know that our country remains globally competitive in the field of athletics and a symbol of resilience,” sabi ni Gasataya.
Idinagdag ni Gatasaya na ang pagkilala sa Philippine Women’s Team dahil sa pagdadala ng tagumpay sa bansa ng unang AFF championship at nagpatunay na ang mga Pinay at kababaihan sa buong mundo ay maaaring gawin ang lahat ng mga hindi kayang gawin ng mga mambabatas.
“We are thankful for the team’s dedication in representing our country and for all their hardwork and sacrifices to take home the crown. Their victory is an inspiration for us to continue supporting our athletes,” pahayag pa ni Gasataya.
Sinabi pa ng mambabatas nangangako ito bilang bahagi ng lehislatura na itulak ang mga hakbang sa sports development at sapat na suporta sa mga atleta ng bansa.
Si Gasataya ay co-author ng House Bill No. 10504 sa 18th Congress na naglalayonh palakasin anga local sports programs sa mga kabataan.
