
Ni NOEL ABUEL
Isinulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at tatlong kapwa mambabatas na bigyan ang mga manggagawa sa industriya ng media ng seguridad sa panunungkulan, panganib at overtime pay, karagdagang insurance coverage at iba pang benepisyong may kaugnayan sa trabaho na tinatamasa ng mga regular na empleyado sa gobyerno at pribadong sektor.
Sa inihaing House Bill (HB) No. 304, ni Villafuerte kasama sina CamSur Reps. Miguel Luis Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata, at Bicol Saro Rep. Nicolas Enciso VIII, ipinanukala ng mga ito ang have “Media Workers’ Welfare Act,” na naglalayong garantiyahan ang mga karapatan ng mga manggagawa sa media sa sariling organisasyon at karagdagang mga benepisyong pang-ekonomiya na nararapat sa kanilang propesyon.
“Media workers risk their own lives being exposed to the perils and hazards outdoor just so we can receive our needed information. It is unfortunate that the very same people behind it are usually the ones whose labor rights are ignored, such as those pertaining to security of tenure, hazard pay, night shift differential pay and overtime pay, among others,” sabi ni Villafuerte.
“Hence, HB 304 seeks to ensure that media workers shall be provided with comprehensive benefits package at par with the current benefits enjoyed by those in the labor force in both Government and the private sector. It seeks to create a safe and protected atmosphere conducive to a productive, free and fruitful media work, as well as to guarantee the right of workers to self-organization,” paliwanag pa nito.
Sa ilalim ng HB 304, ang mga manggagawa sa media sa mga entry-level na posisyon ay matatanggap ng pinakamababang buwanang kompensasyon na tinutukoy ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) o ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs), depende kung alin ang naaangkop.
Nakapaloob sa panukala ang pagkakaroon ng News Media Tripartite Council na naaayong magbago o madagdagan ang minimum hazard pay.
Sa ilalim ng HB 304, inaatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magsimula ng pagbuo ng News Media Tripartite Council, na maaaring magbago o tumaas ang halaga ng minimum na hazard pay para sa mga manggagawa sa media.
“This Council will serve as “a link among various stakeholders, and provide the industry with a platform for both media workers and entities in crafting policy decisions that will affect them and the industry as a whole,” sabi ng mga CamSur legislators.
Sa panukalang batas ay naglalayong magbigay ng hazard pay na hindi bababa sa P500 kada araw sa mga manggagawa sa media na nakatalaga sa mga mapanganib na lugar, tulad ng mga lugar na may giyera, radiation, pagsabog ng bulkan, distressed o isolated stations, mga lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity o emergency, at iba pang occupational risks o banta sa buhay na idedetermina ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa konsultasyon sa DOLE.
