EDSA Kamuning Flyover bubuksan na sa Hulyo 23

NI NERIO AGUAS

Nakatakda nang buksan muli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatlong linya ng EDSA Kamuning Flyover sa Quezon City sa araw ng Sabado, Hulyo 23.

 Sa inilabas na abiso ni DPWH Quezon 2nd District Engineer Eduardo V. Santos, ganap na alas-5:00 ng madaling-araw sa nasabing petsa ang southbound direction ng EDSA Kamuning Flyover kasunod ng pagsasaayos na ng 527.15 meter stretch  nito.

“We are happy to report that we were able to deliver on the given 30-day timetable despite the intermittent rain showers experienced in the past weeks,” sabi ni Santos.

Magugunitang noong Hunyo 25 nang isara ang southbound lanes ng Kamuning Flyover dahil sa nakitang sira o malaking butas nito.

Dahil sa biglaang pagsasara ng EDSA Kamuning Flyover dahil sa pagkasira nito ay iniutos ni  National Capital Regional Director Nomer Abel P. Canlas ang pagsiyasat sa lahat ng pangunahing tulay at flyovers sa buong Metro Manila.

Leave a comment