Zambales PNP ex-officials pinakakasuhan ng COA

Sa nawawalang assault rifles

NI MJ SULLIVAN

Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) sa Police Regional Office 3 na maghain ng kaso laban sa mga opisyales ng Zambales Provincial Police Office na nasa likod ng pagkawala ng 44 assault rifles na donasyon sa nasabing probinsya.

Sa isinagawang inspeksyon noong Agosto 18, 2021, natuklasan ng state auditors na sa 50 Kalashnikov AK 102 rifles na donasyon ng provincial government ng Zambales noong Enero 2006, tanging anim lamang ang natira habang ang iba pa ay hindi makita o nawawala.

Base sa deed of donation, delivery receipt, official receipt, at sales invoice, ang nasabing 50 baril ay nagkakahalaga ng P2.87 milyon.

“Physical inventory of the unrecorded donated firearms revealed that, only six out of 50 units of Kalashnikov AK 102 caliber 5.56 firearms were presented during the inspection on August 18, 2021,” sabi ng audit team sa 2021 audit sa PNP.

Nakasaad din sa available records na ang 36 ng 44 unaccounted rifles na dapat ay napunta sa Zambales Provincial Jail, dalawa sa Zambales Police Provincial Office-Intelligence Operatives, at isa sa Botolan Police Station, Cabangan Police Station, Castillejos Police Station, Masinloc Police Station, San Narciso Police Station at Subic Police Station.

Suportado ang distribusyon ng mga nasabing baril ng Acknowledgement Receipts for Equipment (AREs) na nakuha ng state auditors.

Ngunit sa paliwanag na isinumite ng isang opisyal na nai-turned over sa gobernador o local chief executive ng provincial government ng Zambales noong 2008.

Subalit nakita ng COA ang dalawang problema sa paliwanag ng PNP: ang gobernador ay walang acknowledgment ng sinasabing pag-turnover ng naturang baril at patuloy na nawawala.

“We recommended and Management agreed to instruct the Concerned officials in PRO 3 to make all efforts to locate the 44 unaccounted firearms and file appropriate charges, if warranted,” sabi ng COA.

Leave a comment