
NI NOEL ABUEL
Mariing kinondena ng ilang kongresista ang nangyaring pamamaril at pagpatay sa isang dating alkalde ng Lamitan, Basilan sa loob mismo ng Ateneo de Manila University na ikinasugat din ang anak na babae nito na magtatapos sana sa kanyang pag-aaral.
“We condemn in the strongest terms possible the fatal shooting of former Lamitan City Mayor Rose Furigay and that of her aid and a security personnel in the Ateneo de Manila University,” sabi ni Basilan Rep. Mujiv Hataman .
Maliban sa dating alkalde, kasama rin sa iniulat na nasawi ang aide nitong si Victor George Capistrano at isang security guard ng Ateneo habang nasugatan din sa pamamaril ang anak ng una na si Hanna Rose.
Nagawa namang mahuli ang sinasabing nasa likod ng pamamaril na si Chao Tiao Yumol, 38-anyos, at residene ng Lamitan City kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang isang caliber .45 pistol na may silencer at inaalam kung ano ang tunay na motibo sa krimen.
“Nangyari sa loob ng unibersidad ng Ateneo sa araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral ng institusyon, kung saan ang anak ni Mayor Rose ay kabilang sa mga graduates. Kaya mas lalong nakakalungkot ang nangyari kay Mayor Rose, isang magulang na buong kagalakang dumadalo sa pagtatapos ng kanyang anak, na isa sanang masayang kaganapan na sinira ng walang saysay na karahasan,” paliwanag pa nito.
Ipinarating din ni Hataman kay Lamitan Mayor Oric Furigay, ang taos-pusong nitong pakikiramay.
“Madaming nagawa si Mayor Rose para sa Lamitan dahil sa kanyang progresibong liderato na dahilan upang magawaran ang lungsod ng Seal of Good Local Governance mula 2016 hanggang 2019. Dalangin din namin ang mabilis na paggaling ng kanilang anak at ang inyong pagbangon mula sa trahedyang ito. Kasama nyo kami sa panawagan ng hustisya,” sabi pa nito.
Sinabi naman ni Albay 2nd district Rep. Joey Sarte Salceda na nalulungkot ito sa nangyaring krimen lalo na at isang araw ay isasagawa na ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“The incident is especially concerning in light of how close the date and the place is to the Batasan Complex, where the State of the Nation Address will be held. While it will be speculative at this point to guess at the motives for the incident, I call on our police and law enforcement authorities to remain on high alert, to ensure that similar incidents do not disrupt our traditional democratic traditions and ceremonies tomorrow,” ayon pa kay Salceda.
“I call on the public not to magnify or speculate about the incident, especially theories ascribing some terroristic or conspiratorial motive to the event. Let us leave the investigation to the authorities. Outside reasonable caution, it will be counterproductive to make this incident bigger than it should be,” paliwanag pa ni Salceda.
