Rep. Arroyo nagpositibo sa Covid-19: Di makakadalo sa SONA ni PBBM

Rep. Gloria Macapagal Arroyo

NI NOEL ABUEL

Muling nagpositibo si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria-Macapagal Arroyo sa Covid-19 kung kaya’t hindi ito makakadalo sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay Erwin Krishna Santos, chief of staff ni Arroyo, nagpositibo ang huli sa Covid-19 nang sumailalim ito sa antigen test noong Hulyo 15 at agad na sumailalim sa self-quarantine sa panagnaglaga ng doktor nitong si Dr. Martha Nucum, na isang pulmonologist at konektado sa Professional Regulation Commission’s Board of Medicine.

 Sinabi ni Dr. Nucum, na nagsilbing pinuno ng medical team noong Pangulo pa si Arroyo habang nagpapagamot sa Veterans Memorial Medical Center, na ang dating pangulo ay umiinom ng gamot at supplements na kinakailangan ng isang Covid-19 patient.

 At nitong Hulyo 22, sumailalim sa RT-PCR test si Arroyo kung saan lumabas na positibo pa rin ito sa Covid-19.

Leave a comment