Mindanao at Muslim, ibinida sa SONA attire ni Sen. Robin

Senador Robinhood Robin Padilla

NI NOEL ABUEL

Kulturang Mindanao at Muslim ang ibinidang bihis ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla sa kanyang pagdalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Gawa sa telang Inaul na gawa ng mga Maranao ng Mindanao ang damit ni Padilla, na ang Muslim na pangalan ay Abdul Aziz.

Ayon kay Padilla, ang berdeng kulay ng damit – na likha ni Francis Libiran – ay sumisimbolo sa buhay.

“This ensemble is a celebration of our culture and rich heritage,” dagdag ng mambabatas.

Pinagsama sa pananamit ni Padilla ang kultura, tradisyon at modernong sining – para ipakita ang kahusayan at kakisigan ng Pilipino.

Ito ang unang pagkakataon na dadalo si Padilla sa SONA bilang mambabatas. Nag-Number 1 si Padilla sa nakaraang eleksyon sa pagkasenador noong Mayo 9.

Leave a comment