
Ni NOEL ABUEL
Natatangi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ibang naging Pangulo ng bansa.
Ito ang sinabi ni Batangas Rep. Ralph Recto kung saan isang data-driven na State of the Nation Address (SONA) ang binanggit ni Marcos.
Ayon sa mambabatas, ang iba na nauna kay Marcos ay gumamit ng mga salita upang maisip ang hinaharap habang ang Pangulo ay ipininta nñgamit ang mga numero.
“And that makes his SONA brave, not boring, because when you set specific targets – on growth, jobs, debt, inflation – then you set up the goals by which your administration will be measured,” ayon pa dito.
“May resibo ang mga pangako. Hindi motherhood statements, but calculable key result areas,” dagdag nito.
Tama rin aniya ang sinabi ng Pangulo sa lahat ng kanyang mga programa na may plano kung paano bubuhayin ang ekonomiya dahil isang malakas lamang ang magbubunga ng mga mapagkukunan at kita na tutustos sa muling pagtatayo ng isang bansang sinalanta ng Covid.
“His speech was structured in such a way that before he dazzled us with programs, he gave us a fiscal reality check,” ayon pa dito.
