





NI NOEL ABUEL
Nabulabog ang maraming tao makaraang maramdaman ang malakas na lindol na tumama ngayong umaga na naramdaman sa buong Luzon.
Sa inilabas na Earthquake Information no. 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-8:43 ng umaga sa magnitude 7.3 sa layong 002 km hilagang silangan ng Lagangilang, Abra.
Natukoy ang lindol na may lalim na 025 at ang origin ay tectonic ay inaasahan pa ang mga aftershocks.
Naitala ang intensity IV sa Quezon City gayundin sa buong Metro Manila.
Dahil sa malakas na lindol ay mabilis na tumakbo palabas ng mga gusali ang mga empleyado sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gayundin ng pribadong kumpanya nasa matataas na gusali dahil sa naramdamang pag-uga.
Sa Bangued, Abra, na sentro ng lindo, ay nakita ang mga simbahan na nasira gayundin ang ilang gusali na tumagilid at ilang kalsada ay naapektuhan dahi sa nagkaroon ng landslide.
Abiso pa ng Phivolcs na mag-ingat dahil sa mga inaasahan pang afterhocks.
